BLOG BLOG DIN!!!

BLOG BLOG DIN!!!

Huwebes, Marso 15, 2012

IBA'T-IBANG KLASE NG BOYFRIEND

ONE MAN WOMAN. Isa to sa mga pinapangarap ng mga babae, ang maging loyal yung lalaki sa kanila. Wala siyang ibang nilalandi at talagang sigurado kang sayo lang siya.


• THE GAMER. Ito naman yung boyfriend na mahilig sa mga laro sa computer games. Madalas na kaaway ng babae eh dota o kaya naman NBA. Kaya kung mag mamahal kayo ng gamer, sana maintindihan niyo muna yung consequences.

• ATHLETE. Pwedeng basketbolista, o kahit na anong sport pa yan. Isa to sa mga nakakapagpakilig sa mga babae, na kapag varsity yung boyfriend nila sa school eh talagang nakakalaglag panty este panga sila.

• GEEK. Mga boyfriend na maraming alam sa mga trivia, para silang kuya kim kung minsang bumira. Marami kang matutunan sa kanya sa mga iba't ibang klase ng bagay.

• BLOGGER. May mga lalaki talagang mahilig mag blog. Masasabi kong masarap mag mahal ang mga blogger kasi expressive sila sa mga nararamdaman nila.

• HAPPY-GO-LUCKY. Eto naman yung klase ng boyfriend na parang magkabarkada lang kayo kung mag turingan. Mga mahilig lang sumabay sa agos ng buhay.

• POSSESSIVE. Ang favorite nilang linya ay "bawal". Pwedeng bawal ka pumunta kina ganito, bawal kang umalis ng bahay, bawal kang mag suot ng ganyan. Naku sakit sa ulo mga ganitong boyfriend.

• JOKER. Masarap din mag mahal ng ganitong klaseng boyfriend. Dahil di kayo magkakaroon ng dull moments dahil sa tindi niyang sense of humor. Masarap makipagtawanan sa kanila.

• MAN WITH FEW WORDS. Boring type naman tong mga to. Parang boy next door type. Ewan ko pero may mga babae yung gusto yung ganitong klaseng lalaki. Para bang ang mga replies niya sayo ay parang end of conversation agad.

• FLIRT. Wag kang kukuha ng ganito. Sila yung mahilig makipagkilala sa ibang babae kahit na alam nilang may girlfriend na sila. Pwede namang makipag-flirt kung di ka pa committed. Pero kung meron na, its a big NO.

• ADVENTUROUS. Sila yung mga full of surprises na boyfriend, mahilig sila sa mga extreme na ginagawa ng mga magkakarelasyon. Puro kayo kilig kapag ganitong klaseng boyfriend ang makukuha niyo kasi lagi kayong magtataka kung ano ang gagawin niya.

• MUSIC LOVER. Nakakakilig lang lalo kapag marunong sila ng instruments or at least kumanta. Talagang mapapaihi yung babae kapag nag harana na yung lalaki kahit sintunado pa to.

• DREAMER. Para sa akin, kung kukuha ka ng boyfriend ito ang kunin mo. Sila yung may mga pangarap sa buhay. Yung marunong mag set ng goals para sa inyong dalawa. Siya yung tipo na FAMILY ORIENTED na tao. Masarap mahalin ang mga to kasi alam mong safe ka sa kanila.

Pero kahit anong klaseng boyfriend pa ang boyfriend mo, ang mahalaga mahal ka niya at mahal mo siya and at the same time masaya kayo sa isa't isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento